Bumili ang isang milyonaryo ng lie detector robot.
Sinasampal ng robot ang mga taong sinungaling.
Iniuwi ng milyonaryo ang robot.
Sa hapunan ng pamilya, katabi ng milyonaryo ang robot.
Tinanong ng milyonaryo ang anak na lalaki, "Junior, nasaan ka kanina during school hours?"
"Sa school," sagot ng anak.
Sinampal agad ng robot si Junior.
"Ok, nagsinungaling ako, nasa internet station ako. Nanood ako ng cartoons," sabi ng anak.
Sinampal muli ng robot si Junior.
"Ok. Porno pinanood ko.
Sabi ng milyonaryo, "Noong kaedad mo ako, hindi ko pa alam kung ano ang porno . . . "
Sinampal ng robot ang milyonaryo.
Humirit si misis, "Hon, patawarin mo na si Junior. After all, he's your son."
Sinampal ng robot si misis.